VISITA IGLESIA METRO MANILA LOOP
..
NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO
IKALAWA SA HULING WIKA
Sinasabi ko sa iyo: ngayon din ay isasama kita sa Paraiso" (Lucas 23:43).
"Katiyakan" ang nasa loob ng wikang ito. Ang ibig sabihin nito'y isang nakahandang pagpapahalaga ng Diyos sa isang nagsisising makasalanan, maging ito'y nasa bingit ng kamatayan. Ito'y bunga ng pag-uusap ng dalawang makasalanang kasama ni Jesus sa bundok ng Calvario. Ang patuyang sinabi ng isang nakabitin na kasama ni Cristo, "Hindi ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang iyong sarili, pati kami!" Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama, "Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma'y pinarurusahang tulad niya. Matuwid lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama." At sinabi niya kay Jesus, "Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na [sa ibang salin: "pagdating mo sa iyong kaharian"]." At sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo, ngayon di'y isasama kita sa Paraiso." (Lucas 23:39-43).
Ito'y isang katiyakan sa nagsisising makasalanan na makakasama si Jesus sa kanyang Paraiso --- sa mga sandaling iyon. Sa araw ding iyon, nakamit ang katuparan ng pangako. Ano mang pagpapahalaga na makaabot kay Cristo, ito'y kanyang sinasagot. Hindi niya pinawawalang halaga ang anumang paglapit at pagtawag sa kanya. Kahit sinumang tao kung siya'y lalapit kay Cristo ay makakamit niya ang isang katiyakan na galing sa Tagapagligtas. Ito'y parehong katiyakan na ibibigay ni Cristo sa sinumang lalapit at mananampapataya sa kanya. Hindi ba sinabi ni Jesus, ‘Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang nananalig sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at nananalig sa akin ay hindi mamamatay kailanman" (Juan 11:25-26a). Ayon kay apostol Pablo, "Ngayon ang araw ng kaligtasan" (2 Corinto 6:2 ).
Sinasabi pa sa Banal na Kasulatan, "Sapagkat bawat isa ay haharap sa hukuman ni Cristo upang tumanggap ng kaukulang ganti sa kanyang ginawa, mabuti man o masama, nang siya'y nabubuhay pa sa daigdig na ito" (2 Corinto 5:10). At sa 2 Corinto 5:15, "Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila" (2 Corinto 5:15).